Monday, July 13, 2015

Pag Gawa ng Sariling Bahay (Ang pagsasagawa) ang pag lalayout at ang pag huhukay

Magandang araw po sa lahat at kamusta po tayong lahat? nahanapan ko po yung mga larawan na kuha nuon kami ay nag layout at nag hukay. Dito po nagkakamali ang ibang nagpapagawa ng bahay o hndi po nagkakamali napapagastos lang.

Ganito po ang style ng karamihan sa atin. Unang araw ng pag gawa masyado kang excited kaya umupa ka ng lima hanggang sampung tao para sa gagawing layout at pag huhukay kasi yun ang sabi ng isang karpentero. Hindi ko po sinasabing mali to pero sa tingin ko nag sasayang lang sila ng pera. Kasi pag meron ka nang konkretong plano ng inyong ipapatayong bahay at hawak mo ang floor plan ng inyong bahay napakadali nalang ng mag layout at mag hukay. Pag gagawin nyo ito ng fulltime aabutin lang kayo ng dalawa hanggang tatlong araw.

Ang kailangan nyo lang para sa prosessong ito ay tape measure, nylon (leteng), mga kahoy o kawayan, 90 degrees angle ruler o kaya triangle(para masigurado na direcho at hndi bali baliko ang gagawing layout). Pala at bareta para sa pag huhukay.

Ang minimum na tao para dito ay dalawa lang. Hindi mo na kailangan ng napakaraming tao para mag layout ng bahay. Kung mag lalayout ka at marami kayo may posibilidad pa na magkagulo ang layout ng bahay nyo. Buti pag dalawa lang kayo walang pressure at pwede mong ulit uliting ang pag sukat nito kasi napaka halagang proseso ito ito ang magiging pundasyon ng inyong bahay kaya dahan dahanin at wag madaliin.

Andito ang mga larawan na kuha nuon kami ay nag layout at nag hukay ng pundasyon ng aming bahay. Dalawa lang kami diyan kasama ko ang maliit na kapatid ng aking misis. Ginawa namin ito ng isang linggo na teg iisang oras lang bawat isang araw kasi sobrang init palang ng panahon non.













Pagkatapos nitong pag layout at paghuhukay. Sobrang pagod pero sobrang saya ko rin kasi alam ko na ako ang gumawa at nakatipid ako ng malaki. Mga Php 200.00 pesos lang nagastos ko sa miryenda namin kumpara pag ipapagawa mo sa iba aabutin ka ng mga Php 2,000.00 o higit pa. 

No comments:

Post a Comment