Friday, July 10, 2015

Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 6

Part 6 "Huling mensahe"

Ito po ang huling post para sa Pag gawa ng sariling bahay ang pagsisimula. Pagkatapos po nito ay lilipat tayo sa ikalawang chapter ng blog ang pag sasagawa. Dito po tatalakayin kung paano ako nagsimulang gumawa at magkano na ang aking nagastos.

Bago ko po iwan itong chapter na ito may mga punto lang po ako na gustong sabihin at sana po isipin nyo po mabuti at pag aralan.


  • Dapat pag usapan lahat at ikunsulta ang lahat lahat sa iyong may bahay. Maski napakaliit na bagay ang mababago kailangan mong ikunsulta sa iyong kabiyak para masiguradong asa iisang pahina kayo. Ang mga babae ay napakalaki ng expectasyon lalong lalo na sa kanilang "Dream house" kaya dapat kunin palagi ang kanyang panig para hndi masisi sa huli.
  • Pag aralan mabuti ang mga hakbang kung paano gumawa ng bahay. Pag may makita kang gumagawa ng bahay sa inyong lugar wag matakot o mahiya na magtanong at makipag kwentohan sa may ari. Sa ganitong paraan makaka sagap ka ng mahahalagang impormasyon kung saan mura kumuha ng mga construction supplies.
  • Mag saliksik ng mga construction terms para hndi ka magmukhang walang alam kung nakikipag usap sa iyong karpentero. Papaikot ikotin ka nila pag nalaman nilang wala kang kaalamalam.
  • E monitor ang iyong budget. I sulat lahat ng nagastos at laging tandaan na mag tipid ka pero siguraduhin mong matibay pa rin ang ipapatayo mong bahay. Meron din akong nakitang mga nagpatayo ng bahay na sa sobrang tipid wala itong poste kaya kaunting ulan lang nagkaka bitak bitak na ang mga pader ito ay doble trabaho at doble gastos.
Hanggang dito nalang muna ang aking post. Mag handa handa na kayo at susunod na ang pinakamahirap at pinakamasarap na proseso sa pag gawa ng bahay.

No comments:

Post a Comment