Monday, July 13, 2015

Pag Gawa ng Sariling Bahay (Ang pagsasagawa) ang pag lalayout at ang pag huhukay

Magandang araw po sa lahat at kamusta po tayong lahat? nahanapan ko po yung mga larawan na kuha nuon kami ay nag layout at nag hukay. Dito po nagkakamali ang ibang nagpapagawa ng bahay o hndi po nagkakamali napapagastos lang.

Ganito po ang style ng karamihan sa atin. Unang araw ng pag gawa masyado kang excited kaya umupa ka ng lima hanggang sampung tao para sa gagawing layout at pag huhukay kasi yun ang sabi ng isang karpentero. Hindi ko po sinasabing mali to pero sa tingin ko nag sasayang lang sila ng pera. Kasi pag meron ka nang konkretong plano ng inyong ipapatayong bahay at hawak mo ang floor plan ng inyong bahay napakadali nalang ng mag layout at mag hukay. Pag gagawin nyo ito ng fulltime aabutin lang kayo ng dalawa hanggang tatlong araw.

Ang kailangan nyo lang para sa prosessong ito ay tape measure, nylon (leteng), mga kahoy o kawayan, 90 degrees angle ruler o kaya triangle(para masigurado na direcho at hndi bali baliko ang gagawing layout). Pala at bareta para sa pag huhukay.

Ang minimum na tao para dito ay dalawa lang. Hindi mo na kailangan ng napakaraming tao para mag layout ng bahay. Kung mag lalayout ka at marami kayo may posibilidad pa na magkagulo ang layout ng bahay nyo. Buti pag dalawa lang kayo walang pressure at pwede mong ulit uliting ang pag sukat nito kasi napaka halagang proseso ito ito ang magiging pundasyon ng inyong bahay kaya dahan dahanin at wag madaliin.

Andito ang mga larawan na kuha nuon kami ay nag layout at nag hukay ng pundasyon ng aming bahay. Dalawa lang kami diyan kasama ko ang maliit na kapatid ng aking misis. Ginawa namin ito ng isang linggo na teg iisang oras lang bawat isang araw kasi sobrang init palang ng panahon non.













Pagkatapos nitong pag layout at paghuhukay. Sobrang pagod pero sobrang saya ko rin kasi alam ko na ako ang gumawa at nakatipid ako ng malaki. Mga Php 200.00 pesos lang nagastos ko sa miryenda namin kumpara pag ipapagawa mo sa iba aabutin ka ng mga Php 2,000.00 o higit pa. 

Friday, July 10, 2015

Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 6

Part 6 "Huling mensahe"

Ito po ang huling post para sa Pag gawa ng sariling bahay ang pagsisimula. Pagkatapos po nito ay lilipat tayo sa ikalawang chapter ng blog ang pag sasagawa. Dito po tatalakayin kung paano ako nagsimulang gumawa at magkano na ang aking nagastos.

Bago ko po iwan itong chapter na ito may mga punto lang po ako na gustong sabihin at sana po isipin nyo po mabuti at pag aralan.


  • Dapat pag usapan lahat at ikunsulta ang lahat lahat sa iyong may bahay. Maski napakaliit na bagay ang mababago kailangan mong ikunsulta sa iyong kabiyak para masiguradong asa iisang pahina kayo. Ang mga babae ay napakalaki ng expectasyon lalong lalo na sa kanilang "Dream house" kaya dapat kunin palagi ang kanyang panig para hndi masisi sa huli.
  • Pag aralan mabuti ang mga hakbang kung paano gumawa ng bahay. Pag may makita kang gumagawa ng bahay sa inyong lugar wag matakot o mahiya na magtanong at makipag kwentohan sa may ari. Sa ganitong paraan makaka sagap ka ng mahahalagang impormasyon kung saan mura kumuha ng mga construction supplies.
  • Mag saliksik ng mga construction terms para hndi ka magmukhang walang alam kung nakikipag usap sa iyong karpentero. Papaikot ikotin ka nila pag nalaman nilang wala kang kaalamalam.
  • E monitor ang iyong budget. I sulat lahat ng nagastos at laging tandaan na mag tipid ka pero siguraduhin mong matibay pa rin ang ipapatayo mong bahay. Meron din akong nakitang mga nagpatayo ng bahay na sa sobrang tipid wala itong poste kaya kaunting ulan lang nagkaka bitak bitak na ang mga pader ito ay doble trabaho at doble gastos.
Hanggang dito nalang muna ang aking post. Mag handa handa na kayo at susunod na ang pinakamahirap at pinakamasarap na proseso sa pag gawa ng bahay.

Thursday, July 9, 2015

Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 5

Part 5 "Maging Designer"

Dito madalas nagkakamali ang mga tao pag gusto makatipid at magpapagawa nalang basta ng bahay ni wala man lang plano kung ano magiging itsura ng bahay. May mga kakilala akong mga tao na nagpatayo ng bahay na walang plano isa na doon ang aking ama. Nagpatayo ng dalawang palapag na bahay na walang kungkretong plano. hanggang ngayon nag rerenovate parin sila kasi meron mga parte sa bahay na gusto nyang baguhin. Doble trabaho at doble gastos at yun ang ayaw natin mangyari specially sa mga katulad kong kapos sa budget.

Ito ang aking unang ginawa nag research ako sa internet tungkol sa Google sketchup. Ito ay isang 3d program sa pag design ng bahay. Alam kong iniisip mo hndi ka naman programmer at wala kang alam sa ganitong bagay. Gaya nga ng sinabi ko sa isang post ko wag kang matakot. Wag kang matakot na matuto ng bagong bagay.

Ang Google sketchup ay libre i download ag gamitin. Akala ko napakahirap gamitin pero pag alam mo lang mag basa madali mo lang magagamit ito. 

Na nuod ako ng mga tutorials sa youtube kung paano gamitin itong google sketchup na ito at wala pang isang araw natutunan ko na itong gamitin. Hindi mo naman maging bihasa sa pag gamit nito basta matutunan mo lang gamitin mga basic shapes nito ay siguradong wala kang magiging prublema.

Ito nga pala yung ginawa ko sa google sketchup ngayon meron na akong ipapakita sa karpintero kumpleto sa sukat ito kaya kung ano nakalagay na in design mo ganun na ganun din kakalabasan sa totoong buhay.



Eto ang finish product ang ganda diba? simple lang sya pero malamig sa mata

  


Eto ang floor area nya one room one cr yung sala at kusina magkasama



Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 4

Part 4 "Mag research mag tanong at wag matakot"

Tamang tama ang titulo ng post na ito kasi dito nagkakamali ang marami isa na ako doon. Nuon akala ko napaka laki ng magagstos sa pagpapatayo ng bahay akala ko gagastos ako ng mga Php 50,000.00 para laman sa pundasyon ng bahay. Yung ang isang dahilan kaya ayaw ko dati magpatayo ng sariling bahay. Buti nalang pinilit ako ng asawa ko na mag research at mag tanong tanong. Wag kayo matakot o mahiyang mag tanong sa mga hardware supplies at sa mga karpintero. Ang mga hardware ay willing kayong bigyan ng impormasyon tungkol sa mga materyales lalo pag sasabhin nyong magpapatayo kayo ng bahay kasi alam nila na long term customer ka hndi lang minsanan bibili. Bibigyan ka nila ng VIP treatment at discount pero wag magpasilaw sa mga ito. Dapat pag pumasyal kayo sa mga hardware siguraduhin nyong wala kayong dalang pera para hndi kayo mapilitang makipag deal. Sabhin nyo lang na nag cacanvas palang kayo. Kunin nyo price list at umalis na at pumunta sa ibang hardware stores. 

Eto ang aking natutunan tungkol sa mga hardware stores. Meron at meron silang items na masmababa ang presyo kesa sa ibang hardware stores yun ang dahilan kung bagit ka magtatanong muna para malaman kung ano ano ang mga items na bibilhin mo sa store na yun.

Isa pang dapat pag tanungan ay mga karpentero. Marami kang mapupulot na mahahalagang impormasyon sa mga ito pero kailangan mo din mag ingat kasi meron yung mga ibang karpentero na nagmamagaling lang at sasabihin ang kahit ano para may masabi lang. Gusto nilang palabasin na magaling sila para sila ang kunin mo kung sakaling umpisahan mo na ang iyong bahay.


Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 3

Part 3 "Mag plano"

Eto na ang ikatlong bahagi ng aking blog. Ito rin po ang lesson sa part na to, ang mag plano. Napaka simpleng salita pero napakalaking bagay, hindi lamang para sa project na ito pero para sa lahat ng aspeto ng buhay. Kung gusto nyong magtagumpay sa lahat, kailangang mag plano ng mabuti at siguraduhing masusunod ito ng maayos.

Aaminin ko sa project na to madami kami hndi naisip na sagabal at iisaisahin namin to para pag kayo naman ang magpatayo ng inyong bahay alam nyo kung ano ang dapat nyong iwasan.

Ang unang sagabal na hndi namin masyadong napagplanohan ay ang ulan. July hanggang November ay tag ulan kaya dito kami magkaka prublema.

Dapat nyo pag planuhan ang lahat kung gusto nyo makatipid ng malaki.

meron din magandang maidudulot ang pag ulan ulan kagaya ng malamig na klima hndi basta basta mapapagod ang mga trabahador at isa pa malambot ang lupa napakadaling hukayin para sa pundasyon ng bahay. I kwekwento ko ito sa susunod na post kung paano ko ginawa ang aking pondasyon at kung gaano kalaki ng natipid ko.

Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 2

Part 2 : "Pag usapan mabuti"

Eto na ang part 2 ng aking blog kung paano namin tutuparin ang aming pangarap na magkaruon ng bahay sa maliit na halaga. 
Sa mga gustong magpatayo ng sariling bahay pero hndi nyo alam kung paano sisimulan? Ganito po ang aming ginawa. Pinag usapan namin mabuti ng aking asawa kung ano plano namin dapat sang ayong kayong magpapamilya sa magiging desisyon nyo. Dapat din malaman ng pamilya nyo na hndi biro ang magpatayo ng bahay kaya madaming magbabago sa inyong buhay unang una na diyan ang inyong lifestyle. Kung dati mahilig kayo kumain sa labas, pag nagpatayo na kayo ng sarili nyong bahay kailangan nyong mag tipid. Palagi nyong isipin na pag naumpisahan nyo na ang proseso kailangan itong mag tuloy tulony kung hndi lalo lang tatagal ang construksyon at ito ang kakain ng inyong budget hanggang sa tuluyan ng abandonahin ang inyong pangarap.

Yun ang unang step na ginawa naming mag asawa pinag usapan namin mabuti at nag desisyon na kailangan namin mag "Downsize" ng aming lifestyle. Pag katapos namin mag usap, plinano namin lahat ng dapat gawin at kung saan kukunin ang pang unang budget na gagamitin para maumpisahan ang aming proyekto.

Alam namin na madami kaming e sasakrepisyo para matupad ang aming pangarap at isa na diyan ay ang pag benta ng aming munting sasakyan. Meron kaming kia pride cd-5 na luma binili namin ng Php 50,000 at nagamit namin ng tatlong taon malapit na mag expire ang rehistro nya kaya imbes na gumastos sa pag papa rehistro binenta nalang namin ito ng Php 30,000.00 para may pang simulang budget para dito.

Pagkatapos namin e benta ang sasakyan alam namin wala ng atrasan sa plano na to. 

Meron kaming Php 30,000.00 at isang maliit na lote at malaking pangarap at talagang excited na kami matapos ang aming munting bahay.

Pag Gawa ng Sariling Bahay "Ang pagsisimula" Part 1

Magandang araw po sa inyo. Ito po ang aking unang post dito sa blog na to. Ako po ay 32 taong gulang. May asawa pero wala pang anak. Pwede ko ihanay ang aming sarili sa average household o yung mga taong hindi mayaman at hndi naman gaanong naghihirap. Sa kasalukuyan ay napadpad kami sa parteng norte malayo sa aming mga family house sapagkat dito na assign ang aking asawa. Mag iisang taon na kami nag rerenta sa isang maliit na apartment ang upa namin sa isang buwan ay umaabot sa Php 5,000.00 pesos. Napakalaking pera kung tutuusin kaya naisipan namin mag loan para maka bili ng maliit na lote malapit sa office ng aking asawa. Napakaliit lang ng aming loan kaya hndi ito sapat upang magpatayo ng isang magarang bahay. kaya ko naisip na bakit hndi nalang ako ang gumawa ng plano at manguna sa pagpapatayo ng aming maliit na bahay. kaya ko po naisipang gawin itong blog na to para maibahagi sa inyo ang aking mga natutunan at mga karanasan at sana maka pulot kayo ng idea at maka tulong sa inyo.

Tatlong linggo ko na po ginagawa tong aking munting bahay at sa kasalukuyan nahukay ko na po ang magiging pundasyon ng aking bahay at kumpleto na po ako sa plano. Pipilitin ko pong e budget ang aming napakaliit na pera. Gagawin lahat ng aking makakaya para hindi lumampas sa Php 100,00.00 Pesos ang aming gasto. 

Dito po nagtatapos ang aking unang part ng aking bahay at sa part 2 po tatalakayin ko don kung saan ko sinimulan ang aming munting pangarap. Ang magkaruon ng sariling bahay.